kahapon e July 4. independence day ng amerika... wala namang special sa akin sa july 4, pwera na lang na tumapat sya ng lunes... therefore, long weekend. yehey!!!!
what's ironic, kung kelan holiday, gumising ako ng 6am... hahaha... on a normal weekday, 7pm na ako gumigising (take note 8am ang pasok ko). kasi napagplanuhan ng mga kaibigan na pupunta daw kami sa beach. e napangako kong magluluto ako ng breakfast. so wake up ng maaga ang beauty ko. madali lang naman niluto ko, nagsaing lang ako. tapos luto ng chicken tocino, itlog at spam. sisiw! si hubby naggolf muna at susunod na lang daw sa beach. so kami ni baby girl ang dumiretso na sa beach to meet the other friends.
wagi ang aking breakfast. kasi parang ang sarap, picnic sa beach. may nagdala din ng donuts, pero nakain na lang to sa merienda. e nagdala din ako ng spanish style na sardines... yumyum.
yung ibang friends at si hubby (nung nakahabol na sya around 9am) ay nagsnorkeling. kami ni baby girl, sa may mababaw na lugar lang, at nagtatampisaw. sandali lang ako nagswim kasi mga 9 na kami start makapagswim (inuna kasi ang paglamon!) at malapit na ang bawal na oras sa paglangoy (10 to 2). nag-enjoy naman si baby girl at syempre enjoy din ang mommy.
yun talaga ang okay dito. e imagine, kung sa pinas, kailangan umalis ng bahay ng 5pm para makarating sa beach ng 8am. e kami umalis ng bahay quarter to 8. hihihi.
pagdating ng tanghali, nagkayayaan na kumain sa isang bagong restaurant na buffet style kung lunch. aba, e walang shower-shower, pwera si baby ha. nakaswimsuit pa kami sa ilalim ng aming mga damit, diretso sa restaurant.
ang nakakatawa pa, usapan alang uwian (although malapit lang mga bahay namin sa restaurant).... ang umuwi para magshower, pangit at di bati (ahahaha, nagmukha talaga kaming mga bata)... alaskahan, kasi may buha-buhangin pa ang mga shorts at mga tsinelas. pero deadma, gutom na kami.
ang sarap ng pagkain!!! may pansit, chopsuey, nilagang baboy, tempura, steamed fish, crab in garlic sauce, embotido tsaka may 2 pa na nakalimutan ko. meron ding salad bar for appetizers, pero sa gutom namin, diretso na sa main course. and for dessert, ginataan, puto biƱan at halo-halo!!! yum-yum
ang sarap talaga pag holiday...