In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Friday, July 08, 2005

smallville

hindi naman kami adik sa smallville... pag natitiyempuhan sa tv, pinapanood namin. pero pag hindi okay lang.

pero nung pumunta kami sa video store, merong pinapahiram na buong season 2 ng smallville. 4 dvds, $8 for 4 days. pwede na di ba? e kasi madalas $2 per dvd, kahit ilan hiramin mo, good for 1 day lang ang dvd mo.

anyway, nahiram namin lunes ng tanghali yung mga dvd and since holiday, natapos ata namin yung 2 1/2 discs. hahaha... holiday e. walang ginagawa. tapos na ang chores nung weekend, kaya petiks na lang.

tapos yung natitirang episodes, binuno namin ng tuesday, wednesday at thursday ng gabi. photo-finish pa nga kasi 11pm ang due ng pagsoli, mga 1030 namin natapos lahat.

ok lang naman sya. ngayon hahanap kami ng iba pang shows on dvd, di naman kailangang smallville lang... basta pag may bakasyon ulit, marathon ulit gagawin namin. hihihi

sa season 2 pala ng smallville lalabas si christopher reeve. ok naman yung episode nya.

"i'm more that a bird, i'm more than plane
i'm more than some pretty face beside a train
oh it's not easy.... to be me"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home