In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Monday, July 04, 2005

catching up

naku, two weeks na pala akong di nagpopost... susubukan kong tandaan ang lahat ng nangyari nung nakaraang 2 linggo... ang dami na kasing nangyari. here goes...
******
hmm, dumating ang family ng ninong namin sa kasal nung june 11. one week din sila dito. nakakatuwa, at least meron kaming bisita. nag-round the island kami, isang activity na dapat ay dinadaanan ng bawat taong tutuntong sa guam. imagine nyo, sa loob ng 3-4 hours, kaya mong maikot ang buong islang ito. e sa pilipinas, papunta pa lang batangas yan. at kung traffic, baka hanggang cavite lang yan.

tapos nailibot din namin sila sa mga kainan dito sa guam. grabe, ganun na ako nakatira dito, at meron nang bumibisita sa amin. hahaha

ang nakakatuwa pa, parang noon, ni hindi ko naisip na maglilibot-libot kami sa ibang bansa... hehehe... it was nice to catch up with them.
*******

0 Comments:

Post a Comment

<< Home