In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Monday, July 04, 2005

pag-alis nila ninong, dumaan ang father's day. 2nd father's day na ni hubby. unfortunately merong bad news... nung tumatawag kami sa daddy nya sa pinas, nalaman namin na patay na pala si lola nya at a ripe old age of 94.

so kinailangan naming mag-isip ni hubby kung ano ang gagawin namin. ang mga choices (1) hindi kami uuwi
(2) uuwi kaming tatlo
(3) uuwi si hubby at si baby
(4) uuwi si hubby lang

ang hirap magdecide. kasi hindi lang oras at pagod, pati finances apektado. syempre bukod pa sa pamasahe na pauwi sa pilipinas, yung mga gagastusin pa para sa libing dapat mag-share din kami. medyo mahirap.

out na agad ang hindi kami uuwi. kasi lola ni roy yon. nanay ng daddy nya. syempre gusto namin may uuwi to pay last respects. tsaka pangalawa, medyo matanda na din si daddy ni roy. dapat may tumulong din sa kanya. e si daddy lang ang lalaki sa pamilya.

so pagkatapos ng pag-iisip at pagdedesisyon... si hubby na lang ang uuwi. medyo mabigat sa bulsa kung lahat kami. mahihirapan din naman sya kung kasama pa nya si baby dahil malikot na ang aming supling. sana uuwi na rin ako, tutal balak ko rin namang magleave, yun nga lang ang libing ay sa quezon pa. mahirap pang ibiyahe ang baby girl ng ganun kalayo. kaya si hubby na lang ang uuwi para hindi na rin nya kami iintindihin pagdating sa pilipinas para maayos nya ang dapat ayusin para sa libing at para sa pamilya
******

0 Comments:

Post a Comment

<< Home