In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Monday, July 04, 2005

and since uuwi si hubby ng pilipinas at iwan kami ni bebe dito, single mom ang drama ng beauty ko.

hindi na ako pinag-leave ng boss ko. okay lang daw na isama ko ang baby sa office. tutal may crib naman sya dito kasi minsan pag byernes ng hapon o kaya pag pumapasok ako ng sabado, sinasama ko rin ang aking hija sa opisina.

and since mahilig din naman sa tao ang junakis, hindi sya hirap at nanibago sa office. sama ng sama pa nga sa kung kani-kanino.

nung sabado na wala si roy, nasa bahay lang kami ni bebe. ang likot! akyat-baba sa kama... takbo... guluhin ang mga vhs at dvd sa may tv... takbo... lumabas ng kwarto at buksan mga cabinet sa kusina...takbo...

at kahit malikot, aba nakapagwalis at nakapaglinis pa ako ng bahay.

nakapagsimba pa kami nung gabi...

nung linggo naman, nakapaglaba pa ako. eto pa ang nakakatawa... akala ko down for a nap na ang bebe girl. so sneak out ako sa kwarto para pumunta sa laundry room. so nagload na ako ng washing machine, inaayos ko ang next load, pagtalikod ko, nagulat ako... may nakatayong maliit na tao sa likod ko na nakatingin sa akin at nakangiti! di pa pala tulog ang bebe, at sumunod sa akin sa laundry room. tawa ako ng tawa dahil nagulat ako. tumawa din ang bebe, pero sure ako di nya alam kung bakit ako tumatawa. pero 2 lang kasi kami sa bahay nun.

girl bonding talaga kami nung weekend. kaso nakakapagod talaga. tapos nagsimba kami ulit. ang likot sa simbahan! buti na lang nandyan ang mga friends from the choir para tumulong sa paghabol sa chikiting. sabi na nga ba, at effective at kinuha ko karamaihan sa kanila bilang ninong at ninang. at least nagagamit ang pagkaninong at ninang nila. hahaha.. user ba ako?
******

1 Comments:

  • At 4:42 AM, Blogger MrsPartyGirl said…

    ang cute naman ng baby girl, malikot at makulit na talaga. kanino kaya nagmana? hmmm.... *wink* sana pinaglaba mo, haha! :D

    again, our sympathies sa family ni hubby mo.

     

Post a Comment

<< Home