In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Sunday, July 10, 2005

my new best friend

i realized... masyado nang matagal ang suspense ng akin new best friend, na feeling ko corny na kung ilalabas ko pa sya ngayon.

pero i owe it to you, my readers... hehehe... para namang meron akong loyal following.

may bago lang akong comfort food, ben and jerry's ice cream. hehehe... lately ko lang kasi sya nakita sa supermarket... ewan ko ba kung bakit di ko sya napapansin. palagi lang dreyers, breyers o selecta ang binibili ko. (di ko kasi afford ang haagen daz, well paminsan-minsan pwede naman hehehe)

ngayon, ang kinababaliwan ko e ang brownie batter flavor... siguro sa susunod yung ibang flavor naman ita-try ko.

at pag may ben and jerry's sa bahay, ako lang pwede kumain. bibigyan ko si hubby siguro mga 2 subo, all the rest sa akin. pero syempre, di naman isang upuan lang ang isang pint. grabe, di na talaga ako papayat nito!!!!

2 Comments:

  • At 4:35 AM, Blogger MrsPartyGirl said…

    ako ay new york super fudge chunk *tulo laway*. di kami umaalis ng grocery ng wala yang ice cream na yan, hehe, kaya hindi ako pumayat-payat. pero masarap din yung the gobfather, gustong gusto ni hubby, at agree naman ako, haha.

     
  • At 4:16 PM, Blogger marie said…

    ayan, mga bagong flavors na aabangan ko!

     

Post a Comment

<< Home