In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Monday, January 30, 2006

temptation, thy name is....

....POTATO CHIPS!

my gosh, i finally gave in to my cravings. i bought a bag of lay's salt and vinegar yesterday. i finished 1/2 of the bag (huwaaaah)... and to make it worse, i had to have a bottle of soda to down it with.

Wednesday, January 25, 2006

sweepstakes

"Congratulations, Maria! You have been entered in the Publisher's Clearing House sweepstakes. You can get to win a Chevy, $50,000, or a trip for two to Hawaii or Rome", that's the first I heard from this Derik Thomas guy who called me this morning. "Plus, you get to have these 4 magazines free of charge. And you know what, you are also entitled to a free diamond watch, etc. etc.

He kept telling me about all these free stuff I got to win. Then he said he'll be forwarding me to his supervisor so she can give me the tracking number. But the supervisor was busy at the moment, so he said she'll call me in 5 to 10 minutes.

Then the phone rang again...

"Hello, Maria. So you've spoken with my associate Derik. You know he just joined us. How did he treat you? And then she started saying something about being charged $3+ pero week, $16+ per month for 60 months then it stops automatically.

I asked, "so you're gonna charge me $16 dollars for the magazines that you said were free?"

Sup: But you are entitled to be entered in the sweepstakes and you could win a lot. Good luck by the way... etc etc.

Then I stated to be skeptical and was thinking I should have put down the phone on the first guy already. She started to ask if I had a major credit card. What bank issued the card.

Then the clincher "could you give me the 16 digits on your credit card, Maria?"

That's when I said "I'm sorry, I don't give out that information over the phone"

Sup: Maam, we are a multibillion dollar company. And we're not about to ruin that just because of $16.
Me: Still, I don't give out my credit card number over the phone. I don't fee comfortable with it.

Then she suddenly says this...
"Okay. We'll just bill you. GOODBYE!"

..... so much for customer service.... so much for the tracking number... so much for free stuff... so much for $50,000... it was just a sales tactic. Ayayay!!! Should have known better.

Wednesday, January 18, 2006

Wayou?

This morning, after I dressed Abby, I proceeded to dress myself. Our apartment has 2 bedrooms but the whole family just sleeps in one room. The second room has become an extension of the master's room where we have our other clothes and other stuff. I went to the other room to get a blouse and I left the little islandbaby in the master's bedroom. Islandboy was in the shower....

Then I heard her... "mommy, wayou?" At first I didn't understand, until I saw my little angel looking around and repeating "mommy, wayou?". She looked in the kitchen... she looked in the living room still repeating "mommy, wayou?"

Then I realized, she was saying "mommy, WHERE ARE YOU?"... my islandbaby was looking for me because I left her in the room.

Monday, January 09, 2006

my labor story

hindi po ako nanganak ulit. gusto ko lang ibahagi ang kwento ng aking pagpunta sa dentist.

nung 2002 pinatanggal ko na yung wisdom teeth ko sa right side. kasi impacted. sabi ng dentist, next time na umuwi ako, yung left side naman daw. medyo matagal din ako sa dentista, mga 4 hours siguro.

umuwi ako ng 2003. di pwede magpabunot kasi kinasal ako. 2004 super sandali lang ang uwi ko, one week lang, di kaya. so sabi ko 2005 talaga papabunot ko na ang impaktong impacted wisdom teeth ko.

buong pag-aakala ko na mga 4 hours lang ako sa dentista. pinaiwan ko muna si islandbaby sa mga in-laws ko at sabi ko sa gabi na lang ihatid sa bahay para sa hapon makapahinga muna ako pagkatapos ng bunot.

9:00 ang appointment. isip ko, tamang-tama... matatapos mga 1:00. kain sandali tapos tulog, para pagdating ng baby okay na ako.

2:00 nakaupo pa ko dun. text ko si sil, request ko padala ng lang ng food from jollibee. sabi ko mga 2:30 siguro tapos na.

3:00 nandun pa rin ako. nachip na yung ipin, pero nahirapan silang (mag-asawa kasi ang mga dentista ko) kunin yung natitira

4:30 nagdecide na i-xray ulit para makita kung gaano kalaki pa ang natira. nakabaon kasi ang ipin, di nag-erup sa gums. at mukhang nakadikit daw sa bone. e walang xray sa clinic ng dentist. kailangan pa kaming bumiyahe sa ibang clinic na may xray.

sobrang sakit na sya talaga. gusto ko na ngang sabihin sa kanila, ayaw ko na! isara nyo na lang ulit, tahiin nyo na please!!!!!

sa awa naman, natapos ng 8:00pm ang extraction. grabe, 11 hours, para akong nanganak. to think nung nanganak nga ata ako 10 hours lang labor ko.

and for the next few days after that, mukhang monay ang pisngi ko dahil maga...

si islandbaby? sa in-laws ko na lang sya natulog. binalik na lang sa amin the next day. hehe

summary of places we've been

where we went:
  1. glorietta, greenbelt, landmark
  2. sa puregold para mag-grocery
  3. sa Cardinal Santos Hospital (see related blog below)
  4. sa dentist (more on this later)
  5. 168 mall sa divisoria
  6. bellevue hotel sa alabang
  7. robinson's galleria
  8. greenhills
  9. meralco
  10. airport (para magsundo at maghatid)
  11. tiendesitas
  12. podium
  13. edsa shangrila

hmmm, hindi pa kami masyadong nakaikot nyan....

food we ate (in no particular order):

  1. max's (pwede ba namang hindi)
  2. jollibee
  3. mcdonalds
  4. companion meals ng Cardinal Santos hospital
  5. dec
  6. yung steak place sa wilson na may eat all you can hungarian sausage (kalimot ko pangalan)
  7. onesan sa wilson din
  8. annabel lee - sarap ng cheesecake!
  9. grilla (sayang, puno kasi sa gerry's)
  10. teriyaki boy
  11. greenwich
  12. ang masarap na tender juicy purefoods hotdog
  13. syempre purefood fiesta ham din
  14. cafe bola
  15. david's tea house
  16. max brenner
  17. bellevue
  18. shabu-shabu sa podium
  19. archie's bbq sa tiendesitas
  20. kfc - namiss ko ang hot and crispy at unlimited gravy
  21. mitzi's sa 168 - alam ko na kung bakit pinipilahan ang lechon macau nila
  22. edsa shangrila

people we saw:

  1. syempre mama at papa ko
  2. si mama at daddy ni roy, plus his sisters
  3. aunts and uncles sa side ng olaƱos
  4. aunts and uncles and cousins sa camara - may wedding kasi
  5. friends from high school
  6. friends from college
  7. ligaya friends
  8. meralco friends

kulang nga. marami pa sanang gustong i-meet kaso nawalan na ng time at dahil sa naospital, nawalan din ng 2 days ng lakwatsa. pero masaya pa rin ang bakasyon. masarap talagang magpasko sa pinas. nga lang, MAGASTOS!!!!

uhaaa

nagbakasyon kami sa pilipinas nung pasko at bagong taon.

meron ngang reunion ang pamilya namin sa probinsya. pilit akong sinasama ng mama ko at ng auntie ko, pero ayaw ko talagang sumama. mabuti na lang at hindi kami sumama ni island baby.

nung araw na umalis sila papuntang manila, nagsimula namang magsuka ang aking unica hija. kahit anong kainin nya, inilalabas nya. nung pang 6 o 7 na nyang suka, di ko na nakaya at umiyak na ako... naaawa na ako sa baby ko. at sya din ay iyak na rin ng iyak.

nagpasya na akong dalhin sya sa ospital kasi natatakot na akong baka madehydrate sya dahil panay nga ang suka... dinala ko sya sa ER ng cardinal santos. pinapakita ko ang insurance card namin dahil alam kong accredited kami sa ospital na yon...

intern: ay misis, wala po sa listahan ang insurance ninyo
ako: imposible kaya. ang pangalan ng ospital nyo ay nasa mga brochure namin. at dun ako nagtatrabaho sa insurance company na yan. kaya alam kong accredited kami dito.
intern: naku, e wala po talaga. baka po hindi updated ang listahan dito sa ER.
ako (na naiinis na, kasi nga may sakit anak ko, dapat hindi card ang pinag-uusapan namin): di bale na. babayaran ko na lang!!! basta tumatanggap kayo ng credit card ha...

tapos nung nagdesisyon nang i-admit si islandbaby para maswero at maiwasang madehydrate, ganun din ang eksena namin sa admissions. until finally sinabi sa kin, kausapin ko na lang daw kinabukasan ang marketing at humingi ng LOA (letter of authorization) galing sa insurance ko. tapos eto pa,

clerk: misis, magkano ho ba ang allowed na kwarto sa insurance ninyo?
ako: ha? wala kaming ganun... ano ba ang available ng kwarto?
clerk: yung 2,200 lang po ang available. (akala siguro nya di ko afford ang 2,200)
ako: wala nang iba? ano bang meron sa 2,200 na kwarto? (private room na may tv, ref at phone)
ako: o sige, yan na lang. para makapahinga na ang anak ko (mga 12pm na kasi nun)
clerk: ay, meron ho ba kayong philhealth?

nakakainis na ito... alam naman nyang galing ako sa guam, tatanungin nya ko kung may philhealth ako. haaayyyy

so ayon nga. naconfine si islandbaby. 2 araw din kami sa ospital. ang diagnosis, viral gastroenteritis. maaaring nakuha ang virus sa eroplano pa lang, o maaari sa mall at sa kung saan pa man.

okay na sya ngayon. pumayat. pero malakas pa ring kumain. sana ay manumbalik na ang dati nyang bigat. e payatot na nya sya, lalo pang pumayat.

hay, the trials of being a mother.