my labor story
hindi po ako nanganak ulit. gusto ko lang ibahagi ang kwento ng aking pagpunta sa dentist.
nung 2002 pinatanggal ko na yung wisdom teeth ko sa right side. kasi impacted. sabi ng dentist, next time na umuwi ako, yung left side naman daw. medyo matagal din ako sa dentista, mga 4 hours siguro.
umuwi ako ng 2003. di pwede magpabunot kasi kinasal ako. 2004 super sandali lang ang uwi ko, one week lang, di kaya. so sabi ko 2005 talaga papabunot ko na ang impaktong impacted wisdom teeth ko.
buong pag-aakala ko na mga 4 hours lang ako sa dentista. pinaiwan ko muna si islandbaby sa mga in-laws ko at sabi ko sa gabi na lang ihatid sa bahay para sa hapon makapahinga muna ako pagkatapos ng bunot.
9:00 ang appointment. isip ko, tamang-tama... matatapos mga 1:00. kain sandali tapos tulog, para pagdating ng baby okay na ako.
2:00 nakaupo pa ko dun. text ko si sil, request ko padala ng lang ng food from jollibee. sabi ko mga 2:30 siguro tapos na.
3:00 nandun pa rin ako. nachip na yung ipin, pero nahirapan silang (mag-asawa kasi ang mga dentista ko) kunin yung natitira
4:30 nagdecide na i-xray ulit para makita kung gaano kalaki pa ang natira. nakabaon kasi ang ipin, di nag-erup sa gums. at mukhang nakadikit daw sa bone. e walang xray sa clinic ng dentist. kailangan pa kaming bumiyahe sa ibang clinic na may xray.
sobrang sakit na sya talaga. gusto ko na ngang sabihin sa kanila, ayaw ko na! isara nyo na lang ulit, tahiin nyo na please!!!!!
sa awa naman, natapos ng 8:00pm ang extraction. grabe, 11 hours, para akong nanganak. to think nung nanganak nga ata ako 10 hours lang labor ko.
and for the next few days after that, mukhang monay ang pisngi ko dahil maga...
si islandbaby? sa in-laws ko na lang sya natulog. binalik na lang sa amin the next day. hehe

0 Comments:
Post a Comment
<< Home