In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Monday, January 09, 2006

uhaaa

nagbakasyon kami sa pilipinas nung pasko at bagong taon.

meron ngang reunion ang pamilya namin sa probinsya. pilit akong sinasama ng mama ko at ng auntie ko, pero ayaw ko talagang sumama. mabuti na lang at hindi kami sumama ni island baby.

nung araw na umalis sila papuntang manila, nagsimula namang magsuka ang aking unica hija. kahit anong kainin nya, inilalabas nya. nung pang 6 o 7 na nyang suka, di ko na nakaya at umiyak na ako... naaawa na ako sa baby ko. at sya din ay iyak na rin ng iyak.

nagpasya na akong dalhin sya sa ospital kasi natatakot na akong baka madehydrate sya dahil panay nga ang suka... dinala ko sya sa ER ng cardinal santos. pinapakita ko ang insurance card namin dahil alam kong accredited kami sa ospital na yon...

intern: ay misis, wala po sa listahan ang insurance ninyo
ako: imposible kaya. ang pangalan ng ospital nyo ay nasa mga brochure namin. at dun ako nagtatrabaho sa insurance company na yan. kaya alam kong accredited kami dito.
intern: naku, e wala po talaga. baka po hindi updated ang listahan dito sa ER.
ako (na naiinis na, kasi nga may sakit anak ko, dapat hindi card ang pinag-uusapan namin): di bale na. babayaran ko na lang!!! basta tumatanggap kayo ng credit card ha...

tapos nung nagdesisyon nang i-admit si islandbaby para maswero at maiwasang madehydrate, ganun din ang eksena namin sa admissions. until finally sinabi sa kin, kausapin ko na lang daw kinabukasan ang marketing at humingi ng LOA (letter of authorization) galing sa insurance ko. tapos eto pa,

clerk: misis, magkano ho ba ang allowed na kwarto sa insurance ninyo?
ako: ha? wala kaming ganun... ano ba ang available ng kwarto?
clerk: yung 2,200 lang po ang available. (akala siguro nya di ko afford ang 2,200)
ako: wala nang iba? ano bang meron sa 2,200 na kwarto? (private room na may tv, ref at phone)
ako: o sige, yan na lang. para makapahinga na ang anak ko (mga 12pm na kasi nun)
clerk: ay, meron ho ba kayong philhealth?

nakakainis na ito... alam naman nyang galing ako sa guam, tatanungin nya ko kung may philhealth ako. haaayyyy

so ayon nga. naconfine si islandbaby. 2 araw din kami sa ospital. ang diagnosis, viral gastroenteritis. maaaring nakuha ang virus sa eroplano pa lang, o maaari sa mall at sa kung saan pa man.

okay na sya ngayon. pumayat. pero malakas pa ring kumain. sana ay manumbalik na ang dati nyang bigat. e payatot na nya sya, lalo pang pumayat.

hay, the trials of being a mother.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home