In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Friday, July 07, 2006

waaaaahhhhhh

di ako pumasa sa exam ko...

dapat na bang mag-isip ng career change?

Tuesday, July 04, 2006

FLASHBACK: GOING BACK IN TIME

kahit na sabi ni cynch na panis na ang mga balita ko, gusto ko pa rin kayong iupdate sa mga nangyari sa amin nung may...

may 1st, hubby and baby went to the philippines. si hubby para ipagamot ang kanyang kidney stones. thanks to the mileage that i got from my vegas trip, nakakuha kami ng almost free flight thru mileage reward. si baby girl naman, since less than 2 years old pa lang, e mura lang ang pamasahe. they stayed for 2 weeks sa pinas. gusto ko man sumama, ang dami kong kailangang gawin. pati na rin may exam ako nung may 16th, kaya i took the extra time to review for my exam. deciding factor itong exam na to... but more of that later.

so they were there for 2 weeks, and hubby was practically at st. luke's everyday. laking pasalamat ko lang na malapit bahay namin sa st. luke's. kasi imagine, titingnan ng doctor. tapos order tests. pagkatapos ng tests, wala na si doc sa clinic, so balik na naman the next day para i-read results. tapos depende sa results more tests pa. pabalik-balik talaga. buti na lang at natulungan si hubby ng manila office ng kumpanya namin.

timing din ang uwi nila kasi kinasal naman yung isang first cousin ni hubby.

ako naman, aral nga ako. actually i was cramming already kasi dapat ang pag-aral starts at least 3 months from the exam date. but with all the things that's been happening at work, parang di ko masingit ang pag-aaral. mahirap lang talaga i-balance time between work and family, tapos mag-aaral pa for actuarial exams. kaya nga the two weeks na wala sila, i tried to study. di ko alam kung ang result ng exam na ito ang magdedecide sa aking future sa career na ito. kasi kung pumasa man ako dito, i would have 7 more exams to take. kayanin ko pa kaya?

bumalik sila hubby and baby nung mother's day. pero hapon na. nagsimba lang kami that night, tapos kumain na lang sa labas. yun na ang pinaka-celebration namin ng mother's day.

oo nga pala, may 1 was also the day na nagsabi sa kin ang aking boss (also ninang sa kasal) na magreresign na sya. it was something that i knew was bound to happen, di ko lang alam kung kelan. it wasn't much of a shock anymore but still it was surprising. naturete ang mundo ko... dahil sa kakaisip kung gusto ko pa rin magstay sa company... tapos iniisip ko pa mag-ama ko na nasa pilipinas... tapos iniisip ko pa ang exam ko. haay!!!!!!! she gave a month's notice... but it still wasn't enough i think, considering 13 years of experience in the company. ang laki na ng responsibilities nya.

may 17, we celebrated our 3rd year anniversary. simple lang naman. kasi still had to go to work that day. so kain lang sa labas. ininvite namin si boss cum ninang, since hubby nya was off-island at that time. isip namin, it might be our last anniversary na makakasama namin sya. kumain kami sa tony roma's. yum, yum. sarap talaga ng ribs nila.

may 23rd naman, 2nd birthday ni baby abby. di na sya baby!!! syempre may pasok ulit si mommy and daddy kaya dinner na lang kami bumawi. kumain na lang kami sa pietro, isang bagong italian restaurant, kasama naman si ninang linda at papa rolly ni abby. nakakahalata na ba kayo, puro kainan?

may 26 was relay for life. it's an annual fund-raising event for the american cancer society. bale, it's from 7pm to 7am the next day. a lot of the island establishments just gather to have some fun and donate to charity. lakad lang around the tracks. pumunta kami pero sandali lang. mahirap nang mapuyat si bebe.

may 28 was abby's birthday celebration. at first we were planning na magluto lang sa bahay and invite just close friends, mga ninong, ninang... pero nung ilista namin, aba umabot ng mga 40 to 50 ang guest list. so we decided na sa restaurant na lang at di naman kasya ang 50 people sa aming mumunting apartment. we had a simple lunch at seafood chef. okay naman, sarap ng food. eto pictures nung 'party' ni abby.

o ayan ang highlights ng may. june na lang ang bubunuin ko!

Monday, July 03, 2006

HINDI AKO BUNTIS!!!

nakakatawa, tumawag ako sa mama ko kagabi, at ang bungad nya sa akin... "o, naglilihi ka na daw!" ako naman, "saan nyo naman napulot yang chismis na yan?"

apparently hindi sila nagkaintindihan ng mga taong nasa nabua. umuwi kasi si auntie alice, taga dito din sa guam. pero matagal ko nang di nakikita si auntie alice, siguro isang tao na mahigit. ang binabalita ata nyang buntis e yung anak nya na kinasal last year. pero ang intindi ng mga lola sa probinsya e ako daw ang buntis.

paano ako mabubuntis e may hormonal imbalance nga ako. at ako ay umiinom pa ng gamot para ma-correct ang imbalance! yon lang. just to set the record straight.
hay nakakatamad. it's july 3rd, monday. kakatapos lang ng weekend. tapos bukas holiday ulit (4th of july). kalahati ata ng kumpanya nakaleave ngayon. kaya nga ako nakakapag-update ng blog e. hehehe

Sunday, July 02, 2006

siksik na siksik na july 1

hay grabe, punung-puno ang araw namin nung july 1.

first, hubby woke up really early in the morning to play his 18 holes of golf. ako naman woke up around 830, tapos did the laundry na. si islandbaby tulog dahil napuyat the previous night, nag-attend kasi kami ng sweet 16 party (dito kasi sa guam ang debut ng mga babae, hindi 18, kundi 16th birthday nga). after pa nung sweet sixteen, e humabol pa kami sa 4th of july weekend sale ng macy's, tapos nagpunta pa kami sa kmart. e talaga namang napagod ang aking baby girl.

pagkagising ko, i did the laundry while waiting for little abby to wake up. and finally, at around 10am, nagising na ang aming prinsesa. nanood muna sya ng cartoons nya habang tinatapos ko ang aking labada. at 1130, ready na kami to go to our office's family day, kumbaga e outing kung dyan sa pilipinas. we had it at one of the water parks. enjoy na enjoy ang bata. at syempre dahil mahilig sa tubig si abby, no choice ang mommy kundi magswimming din. si daddy at si ninong anthony, na kasama sa golf, ay sumunod na lang sa waterpark. bukod sa daming food, aba may raffle prizes at give-aways pa. nanalo kami ng tool set para sa kotse tapos yung give-away, bag na may lamang tshirt at tuwalya, may shampoo at sabon pa! for the kids may give-away na mga laruan.

ang daming pagkain!!! ang saya-saya. outing talaga.

around 330, nagdecide na kaming umuwi. pero tumawag ang mga kaibigan na kasosyo sa mahjong! yup, we have a new pasttime, mahjong nga. ang pustahan, $0.25 lang naman. hahaha nagdala din pala kami ng napakaraming balot na pagkain dahil nag-uumapaw nga ang pagkain dun sa outing.

at around 6, we had to go home and prepare for 7pm anticipated mass. after the mass, punta naman sa bahay ng isang friend to eat dinner. birthday nya kasi.

o di ba, daming happening. will post pictures of the family day soon.