In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Sunday, July 02, 2006

siksik na siksik na july 1

hay grabe, punung-puno ang araw namin nung july 1.

first, hubby woke up really early in the morning to play his 18 holes of golf. ako naman woke up around 830, tapos did the laundry na. si islandbaby tulog dahil napuyat the previous night, nag-attend kasi kami ng sweet 16 party (dito kasi sa guam ang debut ng mga babae, hindi 18, kundi 16th birthday nga). after pa nung sweet sixteen, e humabol pa kami sa 4th of july weekend sale ng macy's, tapos nagpunta pa kami sa kmart. e talaga namang napagod ang aking baby girl.

pagkagising ko, i did the laundry while waiting for little abby to wake up. and finally, at around 10am, nagising na ang aming prinsesa. nanood muna sya ng cartoons nya habang tinatapos ko ang aking labada. at 1130, ready na kami to go to our office's family day, kumbaga e outing kung dyan sa pilipinas. we had it at one of the water parks. enjoy na enjoy ang bata. at syempre dahil mahilig sa tubig si abby, no choice ang mommy kundi magswimming din. si daddy at si ninong anthony, na kasama sa golf, ay sumunod na lang sa waterpark. bukod sa daming food, aba may raffle prizes at give-aways pa. nanalo kami ng tool set para sa kotse tapos yung give-away, bag na may lamang tshirt at tuwalya, may shampoo at sabon pa! for the kids may give-away na mga laruan.

ang daming pagkain!!! ang saya-saya. outing talaga.

around 330, nagdecide na kaming umuwi. pero tumawag ang mga kaibigan na kasosyo sa mahjong! yup, we have a new pasttime, mahjong nga. ang pustahan, $0.25 lang naman. hahaha nagdala din pala kami ng napakaraming balot na pagkain dahil nag-uumapaw nga ang pagkain dun sa outing.

at around 6, we had to go home and prepare for 7pm anticipated mass. after the mass, punta naman sa bahay ng isang friend to eat dinner. birthday nya kasi.

o di ba, daming happening. will post pictures of the family day soon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home