Fr. Jett's Speech
I got this in my mailbox today. It was written for a graduating class, but I felt it was written for me. It's amazing how the Lord can use different things to wake me, even through a forwarded email. Read on...
-------------------
Kayo ang Kanyang Tinig
Fr. Jose Ramon T. Villarin SJ
Commencement Exercises
Ateneo de Manila University
18 March 2005
Dalawang bahagi sa homilyang ito. Sa una, susubukan kong takutin kayo. Sa pangalawa, susubukan kong pasagutin ang Panginoon sa inyong kaba. Sabihan niyo na lang ako mamaya kung nasapol ko ang target na takutin kayo at lung narinig niyo ang sagot ng Panginoon sa pananakot kong ito.
Bueno, takot. Sabi ni Jeremias, Panginoon, bata pa ako, di ako madunong, may gatas pa sa labi, huwag mo akong tawagin, huwag moakong yakagin. Sagot naman ng Panginoon: huwag kang matakot sakanila, huwag kang mabahala.
Meron ba kayong dapat katakutan? Aba, oo, marami. Ilista ko: matakot kayo kung wala kayong mahanap na trabaho pag tuntong niyo sa C5, palabas ng Ateneo. Matakot kayo sa usok at ingay at trapik sadadaanan ninyo sa darating na mga taon. Kabahan kayo sa mga naghahasikng lagim sa lipunang ito: kung mabait ka, kung tapat at maginoo, ipapako ka nila sa krus, patatayuan pa nga ng monumento katabi ni bonifacio. Matakot kayo sa katiwalian, sa mga trapo sa gobierno, private sector, o civil society. Sabi sa ebanghelyo, sila ang mga namamanginoon, dinadakila, nasusunod. Matakot kayo sa kanila, sa mga taong may kapangyarihang mang-grado sa inyo at sa madlang bayan. Akala niyo ba nalampasan niyo na ang C+ o QPI? Lalo kayong matakot dahil ang mga nakaka A o B+ o minimedalya sa labas ng Gate 3 ay ang mga matutuso at yaong malapit at maykapit sa mga namamanginoon at nang gagrado. Matakot kayo pag sumabak kayo sa laro at sa nilalaro sa labas. Para kayong napalaro ng basketbol, yon nga lang, magulang ang kalaban, binayaran ang referee, at kung di man gayon, pa bago-bago naman ang linya. Matakot kayo sapagkat hindi lahat ng pagsusulit o papel o kontratang kinakatha sa labas ay tinatatakan ng amdg. Matakot kayo salaki ng agwat na humihiwa sa ating lipunan at sa ating pagkakabaon sautang (ni kuryente man lang di natin mabayaran). Matakot kayo kung angmadlang pilipino ay walang alam at walang pakialam sa ateneo-lasalle oblue eagle spelling. Matakot kayo kung saan niyo ipaparada ang inyongSUV. Pustahan tayo, lilingon lingon pa rin kayo, kahit may bubog atbarbed wire ang inyong bakod, at gated ang inyong community.
At higit sa lahat, katakutan niyo ang multong ito: kabahan kayo, kung sa inyong pagkalula at pagkapagod sa mga nangyayari sa ating lipunan,tumamlay na ang inyong kalooban, tumabang ang inyong panlasa, pumurol ang inyong kahahasa pa lamang na isipan. Kabahan kayo kung di na kayokinakabahan, di na nababahala, nababagabag, kung naibsan na kayo ng lakas na umasa, manindigan, mangarap.
---------------------------------
Sabi ng Panginoon, sshh, tahan na. Sabi Niya, huwag kang matakot sakanila. Sabi Niya, huwag kang magtago, huwag kang tumahimik, huwagmaumid, at mag walang imik. Sabi Niya, pangako Niya, hahaplusin Niya ang iyong bibig, para makapagsalita ka. Sabi Niya, pangako Niya, Siya ang iyong magiging tinig, para maisigaw mo sa kanila ang Kanyang isinisigaw. Di mo na kailangang kapain pa ang salita; ang Kanya mismong pangungusap ang iyong bibigkasin sa dilim at sa hampas ng alon at sigwa. Siya ang mangungusap. Bibigyan ka 'kaNiya ng lakas sa piling ngmga malalakas, kapangyarihan sa tabi ng mga namamanginoon, lakas namanlipol at mampuksa, magtayo at magpunla. Ganoon katunog ang Kanyang salita. Sabi pa Niya, bago ka pa nagkahugis sa sinapupunan ng iyong ina, kinilala, nakilala ka na Niya. Bago ka pa nagkaroon ng mukha, namukhaan ka na Niya. Bago ka pa iniluwal na humahagulgol sa mundo, nagisnan na Niya ang buo mong pagka-ikaw, at nasalo na Niya ang bawat butil ng iyong luha. Bago ka pa nagka-andador at natutong maglakad, nakita na Niya ang layaw at kupad at paglalayas ng iyong puso, ang galos sa iyong bawat pagkakatisod, at pabalik-balik (gigiray-giray) na pagtindig. Bago ka pa nagbinata o nagdalaga, nakita na Niya ang dalisay at tindi ng iyong pagkauhaw sa buhay at pag-ibig. Bago ka pa nagtapos at nagkadiploma, bago ka pa iluwal na tuliro sa saya mula sa ina nating paaralan, nasilayan na Niya ang lundag at pitik ng puso mong maligaya. Bago ka pa nagkalakas ng loob na itaya ang habambuhay, nakita na Niya ang iyong pagdududa't pag-aalangan. Bago pa nanlabo ang iyong mga mata at nagka-uban, nasulyapan na Niya ang anino at banal sa iyong muli't muling pag-ako at pagpapakatao.
Ganito kahiwaga magmahal ang Panginoon.
Kaya sinasabi Niya sa iyo ngayon, sshh, tahan na, huwag kang matakot sakanila. Walang sasapit sa iyo na hindi Niya nakita na. Huwag kang atakot sa iyong kamusmusan o kabataan o kahinaan. Walang lamat sa buo mong pagka-ikaw na hindi Niya nalalaman. Huwag kang matakot at mag-alinlangan. Hindi ka mag-isang tatawid sa C5 at makikipagbuno samga namamanginoon at naghahasik ng lagim sa ating lipunan. Sinasabi Niya sa iyo ngayong umaga, huwag kang matakot sa kanila; hindi Niya matitiis na ikaw ay iwanan; ikaw ay Kanyang-Kanya, Kanyang tinig at pangungusap at panawagan.
Mga kinagigiliwan kong kapatid, idinadalangin ko na marinig ninyo satuwina ang tinig at tawag ng Panginoon. Tinig Siyang nagpapatahan satakot, nanghahamon sa laot. Wala naman talaga kayong dapat ikabahala samga alon at sa mga namamanginoon na may kapangyarihang mang-grado saating lipunan. Sa tingin namin sampu ng inyong mga guro at kaibigan,hindi na lamang kayo pasadong Atenista. Kayo ang Kanyang bagong tinig sa Kanyang sinisintang bayan, summa cum laude (matagal na) sa harap nginyong mga magulang, mga mahal sa buhay, at higit sa lahat, sa pagtingin ng Panginoon.
Bago pa kayo naupo para sa una niyong pagsusulit, namarkahan, markado na kayo ng langit. Tatakan niyo ang inyong unang hakbang, tatakan niyo lagi ang inyong bawat hakbang sa labas ng ating inang paaralan: ad majorem Dei gloriam.
Jose Ramon T. Villarin SJ
Baccalaureate Mass, Class 2005
High School Covered Courts

1 Comments:
At 2:57 PM, allkaput said…
Beautiful. I remember the sound bite from Cis's valedictory speech in 1997. "Lumundag ka." :-)
Post a Comment
<< Home