In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Tuesday, December 06, 2005

still daddy's girl

nakakatuwa... kahit na ba ganito na ako katanda at kahit na may sarili na rin akong anak, i'm still daddy's girl.

ang papa ko naman, hindi sya very vocal na tao. kung iisipin nga sa mga love language siguro, ang primary nya ay acts of service. sa mga sulat lang nya sa akin (na bihira mangyari kasi madalas galing sa nanay ko ang sulat) makikita ang mga salitang 'i love you' hehehe... pero alam ko naman na love ako ng papa ko, lalo na ba at ako ang bunso.

ang flight ko papuntang bohol at 8 na umaga. ibig sabihin kailangan gumising ng maaga para mga 6 at papunta na o nasa airport na. alam nyo naman ang kaguluhan sa mga airport sa pilipinas, sobrang daming tao. nakiusap ako sa kaibigan na kung pwede sya na lang maghatid sa akin tutal maaga din syang aalis ng bahay at pupunta sya sa canlubang. tsaka para na rin di na gigising ng maaga si papa, kasi papasok pa rin sya sa opisina ng araw na yon.

pero ng mga 4a.m. umakyat sa kwarto namin ang mama ko para sya na daw magbantay kay islandbaby. mga 430 umakyat naman si papa, dala-dala ang noodles para naman daw mainitan ang sikmura ko, bago ako umalis. nakakamiss ang ganitong pag-asikaso...

tapos pag kumakain kami tinitimplahan nya ako nung iced green tea nya... hehe... a small thing, pero na-appreciate ko talaga ng husto..

at syempre nakita ko ang paghabol at pag-alaga nya sa anak ko na napakakulit. love you, pa!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home