In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Sunday, May 29, 2005

One

tapos na ang party... marami ding nagsidalo... masaya din naman ang salo-salo.

maraming regalong natanggap ang unica hija. tuwang-tuwa din sya... aba, 2 ang birthday cake nya nung party.

masayang-masaya ang baby....

tingnan nyo ito para makita ang mga ritrato

http://community.webshots.com/user/abbycamara

Friday, May 20, 2005

You are cordially invited!

Image hosted by Photobucket.com

i tried making the baby's birthday invitation using a collage of her pictures. wagi naman ang project ni mommy.

*details of the party omitted, just send me a message if you want to know the details

big girl na talaga

waaah, big girl na talaga sya. eto at marunong nang magpose sa camera
Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

Wednesday, May 18, 2005

stay at home mom part 2

kawawa naman ang bebe. kahapon inabot ng 104 F ang sakit. sabi ng doc buti di kinumbulsyon. binigyan na nga ng injectable antibiotic. meron daw syang ear infection. (come to think of it, ano kaya ang ear infection sa tagalog? kasi common daw ito sa mga baby. pero parang bakit walang term in tagalog?)

so ngayon, home ang drama namin ni baby. dahil inoobserbahan pa kung lalagnatin ulit.
*******
pagtawag ko sa office, yung isa din palang staff absent, sick leave. yung boss ko naka-VL. e apat lang kami sa department. yung bago namin (3 weeks pa lang sa trabaho) ang naiwan mag-isa sa opisina. kawawa naman sya.
*******
at dahil may sakit ang baby kahapon, napurnada ang date namin ni hubby sa aming 2nd year anniversary. di bale, babawi na lang sa susunod.

Monday, May 16, 2005

stay at home mom

i'm staying home today... to take care of the baby. hala, e nahawa na ata sa amin ng daddy nya.

pero eto sya, parang walang sakit (umeepekto ang gamot!), hawak ang lampin nya, at umaarteng naglilinis ng bahay. punasan ba ang sahig, at punasan ang tv. hahaha... mukhang madaling turuan ng household chores ito.

sana gumaling na sya ng tuluyan.

Tuesday, May 10, 2005

under the weather

hubby and i both have colds and cough. hopefully the baby does not get sick too...