In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Saturday, October 22, 2005

look what i found in the laundry



Friday, October 21, 2005

aegis

nope, not the rock band.

sa wakas, after 8 years, natapos at lumabas na ang aming college yearbook. susme, kulang-kulang na nga, super late pa kung lumabas. pero at least natapos na rin.

pero paano ko kaya kukunin? nandito ako sa isla...

uhaw

ay grabe, ang tagal ko na atang hindi nakakatikim ng alak. hahaha... kagabi, may despidida para sa isang pari sa bahay nung manager sa simbahan. yung asawa nya, mahilig sa wine at mag-mix ng kung anu-anong drinks...

gawa sya ng gawa ng martini, habang ang mga bisita naman ay kumakanta gamit ang magic sing. ay grabe, nakarami ata talaga ako. para ba akong uhaw sa alak... hahaha... huli ko atang session ng inuman e bago pa ako magbuntis. e 16 months na ang aking bebe (you do the math!)...

tsaka isa pa, kaya ako enjoy na enjoy, libre!!! imagine sa mga bar, di ako makaka-3 man lang na mixed drink dahil isang order e mga $5 to $7. sayang din ang pera. at least kahapon, open bar on the house. =D

Thursday, October 20, 2005

bye, love you

naging kaugalian na namin tuwing umaga, bago bumaba ng kotse si islandboy at islandbaby, sasabihin namin sa isa't isa ang "bye" at "love you"

madalas si abby, nagiging echo lang kasi pag sinabi kong bye, tsaka din sya magsasabi.

pero kaninang umaga, pa-park pa lang ang kotse sa simbahan bigla na syang nagkusang magsabi, mommy, bye, laboo!

hay, ang sweet!