In this tiny island

minsan kwela, minsan walang kabuluhan, minsan masaya, minsan malungkot, minsan magulo.... gusto ko lang iparating sa inyo ang nangyayari sa aking mundo.

Thursday, September 07, 2006

had to blog about this

yesterday, the usual routine, i would wake up. take a bath. then get abby. kahit tulog sya binubuhat ko sya para paliguan... but yesterday was different.

tulog pa rin nang dalhin ko sya para paliguan. pagkahubad ko ng pajama at diaper, biglang umupo, pero nakapikit pa rin. nang buhusan ko na ng tubig, aba! pikit pa rin!

natapos na lang maligo, tulog pa rin. although paminsan-minsan dumidilat. binuhat ko na pabalik sa kwarto para bihisan. TULOG PA RIN!

nasuklayan na, nabihisan na, may cologne na, tulog pa rin si abby. grabe na toh! super mantika.

this morning, akala ko gagawin pa nya ulit. well tulog pa rin sya habang pinapaliguan. pero nang matapos nang maligo, finally nagising na. pero pagbuhat ko sa kanya at ibalik sa kwarto, paglagay ko sa kanya sa bed, tulog ulit! hahaha... takaw tulog ata itong aking anak.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home